Ang Aking Buhay Simbahan
Noong nasa Grade 6 ako, na-introduce sa akin ang Luke 18, sa pamamagitan ni Teacher Lanie na noon ay teacher namin sa Sibika. Isang youth group sa St.Joseph Parish, Bamboo Organ na para sa mga kabataang tulad ko na nasa Grade 6, hanggang sa mga kabtaang nasa 3rd year high school. Sumali ako dahil karamihan sa aking mga kaklase at kaibigan ay sumali. At naisip ko, mukhang exciting siya, kaya naman masayang masaya ako nung pinayagan ako nila Mama. ‘Yun ata ang first time na sa ibang lugar ako natulog, at hindi sa bahay. Kahit na malapit lang siya sa bahay, o sa school lang din ginawa, iba pa rin ang feeling na ang mga kasama mo matulog ay mga kasama mo rin sa school araw-araw. Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan doon. Sabi nga nila, ‘yung batch na yata namin ang may pinaka-maraming sumali. At siyempre proud kami at masaya kami dun. Mga noon ay nakikita ko lang sa corridor, naging kabatian ko na rin sila pagkatapos ng Luke 18 Weekend Experience. Nakilala ko rin dito sila Ate Tess, Kuya King, Kuya Joseph, Kuya Conrad, Ate Riann, Ate Dang, atbp. Ilan lamang sila sa aming mga naging facilitator noon, na talaga namang hindi ko makakalimutan. Natutuwa pa ako kapag nakikita ko sila noon sa school at nakakabatian, naalala nila ako! :)
Pagkatapos ng weekend experience ay ang mga lingo-linggong meeting naman. Mahirap magpaalam para sa mga meeting, pero sinusubukan ko pa rin na makapunta palagi. Lalo na noon na nagsisimula pa lang ako matutong mag-commute mag-isa. Hanggang sa nung nag-high school ako, ay hindi na ako masyado naging active. Sabi ko nun sa sarili ko, gusto ko maging katulad nila Ate Tess, gusto ko rin maging facilitator sa weekend experience. Kaya naman nung nawala ako sa parish, akala ko ay hindi na matutupad ‘yung pagiging faci ko. Hanggang sa dumating ang 3rd year high school, nagkaroon ng Luke 18 Weekend Experience part 2 nung panahon na ‘yun. Pagkakataon para muling bumalik sa parish. Nakasama ako, kahit wala na ang mga ka-close ko doon, kahit iba na ang mga kasama ko. At kahit ganun ay nag-enjoy pa rin ako, at masaya akong nakabalik ako.
Nag-4th year kami, dumating ang Antioch, pero hindi ako nakasali. Dumating din naman ang Jazz Up, kung saan ay nakilala ko si Kuya Danes. Tinuruan niya kami ng sayaw, pati ni Kuya Joseph, at talaga namang ang saya ng experience na yun. Iba yung feeling nung nagsayaw na kami. Bukod sa hilig ko talaga ang pagsasayaw, masaya lang talaga ‘yung experience na ‘yun. Tuwang tuwa ako, at siyempre ay may mga bagong kaibigan muli. Dito ko rin nabalitaan ang tungkol sa College Group (CG), at sabi ko talaga sa sarili ko na doon ako sasali, promise talaga, sasali ako doon.
Sa 7 to 7 recollection, na-introduce sa amin ang CG. Si Kuya Danes ang coordinator ng CG ng panahong ‘yun, at si Ate Luann. Agad agad, pagkatapos ng 7 to 7 recollection ay kumuha ako ng form para makasali sa CG.
Excited ako noon, dahil alam kong makakabalik ako sa parish. Panibagong grupo, panibagong mga kaibigan, panibagong experience. Kabado ako nung unang meeting ng CG. Siyempre hindi ko kilala ang mga nandun. At sa pagkakaalala ko ay wala akong mga kakilala pa dito, or kaklase man lang nung high school. (‘Yung iba kasi, nasa Antioch pa.) Pero nakakatuwa dahil katulad ng ibang grupo sa parish, mababait ang mga Ate at Kuya doon. Doon ay nakilala ko rin sila Ate Julie, Ate Karen, Ate Xy, Ate Baby, atbp. Enjoy ang unang meeting, at sabi ko sa sarili ko, magpapaka-active na ko. Maraming mga bagong kaibigan muli ang nakilala ko sa CG. Sila ang mga lalo pang nagpapasaya ng mga meeting sa CG. Masaya akong kasama sila, masaya akong nakilala ko sila.
Marami akong na-experience sa CG. Karamihan ata sa buhay simbahan ko e nasa CG ako nung nangyari ang mga iyon. Kahit na mahirap pa rin magpaalam para pumunta ng parish, na dilemma naman ata ng karamihan, sinusubukan ko pa rin na maka-attend ng mga activities sa parish, at ng mga meeting sa CG. Kahit na hindi ako nakaka-attend ng mga retreat at camping ng CG, okay lang. Dumating din ‘yung panahon na excited akong mag-Sunday dahil alam kong may CG meeting. (Pero minsan ay kabado rin dahil iniisip ko kung ano na naman kaya ang ipapagawa sa amin. Pero exciting din naman. =P) Kakaiba ang experience habang nasa CG ako. At nitong mga panahon na ‘to saka ko na-experience ang mga gusto kong ma-experience noon; nakapag-sayaw ako sa Easter Vigil Mass, nakasali sa 7 last words, at, nakapag-facilitate ako sa Luke 18. Sobrang saya ko nung nagawa ko ‘yung mga bagay na ‘yun. Kakaiba ang feeling, kaya talaga namang thankful ako at nakilala ko ang CG. Kung hindi dahil sa CG, hindi ko magagawa ang mga bagay na ‘yun.
Bukod sa lahat ng mga meeting, activities, bagong kaibigan, at experiences, siyempre ay hindi ko rin malilimutan na sa pamamagitan ng mga grupong ito ay mas naging malapit ako kay God. Ito naman ang puno’t dulo ng lahat ng mga ginagawa namin, kaya naman kakaiba talaga ang feeling. Nag-e-enjoy ka na, nakakapag-serve ka pa kay God at pati na rin sa ibang tao.
Bakit ko nag ba sinusulat ‘to ngayon? Siguro dahil lang sa namimiss ko na ang buhay simbahan na naranasan ko noon. Oo aaminin ko, naiinggit ako sa mga kaibigan kong hanggang ngayon ay nakakapag-serve pa rin sa parish, nasa CG pa rin, o di kaya’y may handle na sila na grupo. Nakakainggit man, nakakatuwa rin, dahil kung iisipin mo, minsan ay part lang din kami ng grupong Luke 18, Antioch, CG, at ngayon ay may sarili na silang grupo na nahahandle. Hindi ko rin natupad ‘yung sinabi ko na magpapaka-active na rin ako. Hindi ko napagpatuloy. Na ngayon ay naiisip ko, sana nagawa ko. Nagsimula sa isang araw na hindi naka-attend ng meeting, hindi naka-attend ng mga activity, hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Pero hindi naman ako umayaw, at hinding hindi ko nalimutan ang CG, hanggang sa Luke 18 na pinagmulan ko. Pati ‘yung butterfly awards na pinakahihintay ko noon hindi ko napuntahan. (‘Yung award ko... :( hahaha...) Sayang lahat, ‘no? Pero alam ko naman na may mali rin ako. Nagkulang ako, nagkulang ako sa gawa, dahil hindi ko nagawa ‘yung mga salitang binitawan ko. Bakit nga ba hindi ko na magawa ‘yung mga bagay na nagawa ko noon. Lagi ako nagtatanong kung pwede pa ba bumalik, at sinasabi rin naman nila ay oo. Oo, gusto ko, pero ngayon, gusto ko, pag nagdesisyon ako, ‘yung mapaninindigan ko na. Namimiss ko lang siguro talaga. Basta isa lang ang alam ko, masaya doon. Salamat sa kanila. Salamat sa Kanya.
:)
-
Buhay Simbahan
Friday, April 23, 2010
Email This BlogThis! Share to X Share to Facebook |
0 curious cat(s):
Post a Comment