1. New...still...

    Saturday, July 4, 2009

    if you read my previous post, i wrote there something like 'new challenges'...
    you may ask why? what's with the new challenge? well, marami..

    una, siyempre sa office, new challenge lagi pag may bagong binibigay na task...
    pero ok lang, kaya naman yun...=)

    this other one is i think hindi na rin bago..
    the LDR challenge...Long Distance Relationship..
    kasi last week, napag-usapan namin ni ifor na medyo matagal ulit bago kami magkita..*pero hindi rin nangyari, haha*
    pero still, maaari siyang mangyari, na matagal before kami ulit magkita..e siyempre nasanay na ako na nagkikita kami every week talaga, as in..
    new challenge kasi maaaring mas matagal before kami magkita ulit..
    nung una nalungkot ako talaga, kasi hindi na ko sanay, but then again, naisip ko, kaya ko naman..
    mamimiss ko siya, oo, lagi naman e, pero kaya naman...kaya ok lang...
    tsaka ok lang din, as long as ok naman kami, and yun nga, nakakapag-usap naman kami every night,,so ok lang din..magkalayo man kami physically, hindi naman emotionally, or mentally..
    =P

    another one is, bagong laro..
    yesterday i went out with my officemates, nag market market kami, and we played laser tag..=D
    ang saya nung game, parang may pagka-airsoft..basta nakakatuwa siya, mas masaya pag marami kayo na naglalaro and pag hindi niyo kilala yung kalaban niyo..samahan mo na rin ng bading na tuwing matatag siya e todo sigaw/tili sa pag-react, hahaha..buti na lang sumama ako..
    kundi mamimiss ko ang saya na yun...sa uulitin! =D

    kaso, medyo nabadtrip din ako, kasi, it's still the issue ng pag-uwi ko ng late, or ng pagiging babae ko, haha..after kasi maglaro, dinner pa dapat, nakapag-order na and everything, kaya lang unexpectedly e kinailangan ko nang umuwi, kaya ayun, di na ko nakapag-dinner, my gerry's grill turned into a mcdonald's meal, hahaha...
    nakapag-mcdo nga ako, hindi ko naman na-enjoy..
    ayun, nakakainis lang, hindi ako makagala ng walang magagalit or walang magtetext sakin na umuwi ka na..ang hirap..para akong hindi 21, para akong walang work..
    ayan na naman, nagrarant na naman ako na hindi nagbabago every time na mangyayari to..
    dito, masasabi ko, what's new..hay..

    anyway, at least i enjoyed the laser tag..
    next time ulit!

    can't wait to see you again..

  2. 0 curious cat(s):

 
Rss Feed