I will try and make sense of this informal blog post for today, since what I'll be writing is 'informal' too.
Pambihira nga ba itong araw na 'to? Sakto lang. Masaya, nakakainis, malungkot, makulit, atbp.
Hindi na yata ako sanay gumawa ng ganitong post, kaya pasensiya na po sa mga mambabasa.
Balikan natin kung paano nagsimula ang araw ko. Hindi na naman ako nagising ng sakto sa alarm ko. Wala nang bago dun, expected na 'yun. Buti na lang at nagising ng maaga si Mama, naipagluto ako ng ibabaon ko, kaya nakapag-baon ako. Salamat 'ma!
Ang hirap sumakay pagdating ko sa labasan. Pero okay lang hindi ako na-badtrip dun. Habang papasok din kasi ako, may mga naiisip akong bigla na nakakapagpangiti sa'kin. Feeling ko nga kung mapansin ako ng mga tao baka isipin nila nababaliw na ko, ngumingiting mag-isa. Isa sa mga ito e 'yung panaginip ko nung Sunday ng madaling araw (Oo, madaling araw na kasi ako natulog.), tapos 'yung isa e 'yung may magandang ngiti. Haha! Pero mas lamang 'yung may magandang ngiti, hanggang office naiisip ko 'yun e. Arte e 'no? E sa ang ganda niya ngumiti e, mangingiti ka rin, haha! Bukas sana makita ko siya ulit, at makausap ko, para naman masaya. =P
Tapos nun, nagsimula na ang trabaho, nakakalito, masakit sa ulo, pero naka-survive naman. Pagdating nung hapon, 'yun na. Pambihira, 90's ang eksena! Hahaha. Ang playlist sa iPod ko, N'Sync at Backstreet Boys. Ang pinag-uusapan namin, A1, Sweet Soul Revue, Maskman, Twins of Destiny (Promise 'di ko talaga maalala 'to) at Turborangers (Power Rangers ang kilala kong rangers e). Tumatanda na kasi 'yung kausap ko, nagrereminisce 'yata, kaya ganun. Tawang tawa lang ako nung binanggit niya 'yung Sweet Soul Revue, kasi may kuwento 'yun. Ginawan ko ng kuwento noon, hahaha! Kaso siyempre hindi ako makatawa ng malakas dahil nasa office ako. Pero grabe, kung nasa bahay ako nun, ang lakas ng tawa ko. Hahaha! Memories. =))
Tapos napunta sa ibang topic. Natuwa naman ako sa sinabing "I was actually looking for you nun." dahil naghahanap siya ng mapagkukuwentuhan nung ginawa niya. Na-touch naman ako na naisip niya akong kuwentuhan, kahit dahil lang dun, haha! Tapos napag-usapan din 'yung dati, sabi niya gusto naman daw niya, kaso, natakot sa gastos, hahaha! Nag-compute pa, parang in short e kapag nag-boyfriend ako, dapat 'yung 'wag masyado malayo ang bahay. Pambihira! Hahaha! Pero okay lang, no hard feelings. Sinabihan rin naman ako nun dati ng muntik na daw ako maging ex. Tingnan mo, hindi pa nga nagiging bf/gf, hiwalay na agad. Loko ka din e 'no. =))
At least nag-enjoy naman ako dun, habang sumasakit ang ulo ko sa office, hahaha. Pero ang hirap talaga magpigil ng tawa kapag tawang tawa ka na, hahaha! At nakaka-miss ang Nsync, BSB, A1, Westlife, Spice Girls, etc. LOL!
Joyeux Anniversaire! Haha.
P.S.
Nalimutan ko 'yung codename, hahaha! Ayon, kakasabi mo lang, belekoy kid! =))
-
Pambihira!
Monday, February 21, 2011
Email This BlogThis! Share to X Share to Facebook |
0 curious cat(s):
Post a Comment