1. maswerte tayo

    Friday, April 24, 2009

    earlier this day, me and my mom went to divisoria..
    actually sa 168 kami nagpunta, to buy my pang-office na damit..(eep!)
    woke up at 5:30am, in fairness gising ako agad, haha..
    then left home at around 6:30am..

    on our way there, wala masyadong traffic,,so medyo mabilis ang biyahe, nag-breakfast pa kami sa mcdo sa kalaw..
    then nung nandun na kami sa juan luna street, dun kami na-traffic..
    and while we were stuck in the traffic, i realized a lot of things..

    i realized that i am very lucky..well, we, i should say, even you who is reading this post right now..
    while we were there sa juan luna street, people were starting to put up their "rolling stores"/kariton na may lamang mga paninda..
    imagine them arranging lahat ng paninda nila na the other day lang or yesterday lang e nandun din..
    imagine kailangan nilang iligpit at ayusin lahat ng nandun araw-araw..
    may nakita din akong mamang may kariton din, at ang paninda naman niya ay kape, atbp. (nakalimutan ko yung pangalan ng kariton niya..) siyempre, hindi naman buong araw e may nagkakape, ewan ko na lang yung ibang tao, pero malamang naman umaga at hapon lang ang "coffee break" di ba..
    imagine yun na lang ang pinagkakakitaan niya..
    yun na lang ang pinagkakakitaan nila..

    habang nakikita ko tong mga bagay na to, na-realize ko, ang swerte swerte ko..ang swerte swerte natin..
    may sarili kaming/tayong bahay na matutuluyan at sariling kama na matutulugan..
    hindi tulad ng mga nandun na sa sidecar na lang o sa kariton sa gilid ng kalsada natutulog..

    may malaking opportunity na nag-aantay para sa'min ni kuya o para sa'tin, lalo na sa'ting mga bagong graduate para makahanap ng magandang trabaho na makakatulong sa atin at sa pamilya natin..
    hindi tulad ng mga nandun na pinagtiyatiyagaan ang init at dumi sa kalsada para lang may maipangkain sila ngayong araw na 'to..

    these little things that are sometimes left unappreciated should really be thanked for..
    we are lucky na binigyan tayo ng mas magaang buhay kesa sa kanila..
    we are lucky na nandito tayo sa kung nasaan tayo ngayon..
    maswerte tayo..
    kaya dapat, magpasalamat tayo..

    Thank you po sa Inyo, for everything...
    Thank you bro,=D

  2. 0 curious cat(s):

 
Rss Feed